abueva
Calvin Abueva/ Photo courtesy of PBA

Hindi pinayagan ng PBA na makasali si Calvin Abueva sa Phoenix Super LPG para sa nalalapit na bubble game ng PBA.

Kasunod ito ng indefinite suspension ni Abueva.

Ayon kay Phoenix team manager Paolo Bugia, dahil sa pagtanggal kay Abueva ay mayroon lamang 24-man lineup sa PBA restart.

Magugunitang pinatawan nang suspension si Abueva noong Hunyo 2019.

Inasahan naman na magsisimula ang PBA bubble sa Clark, Pampanga sa Oktubre 11.