Umaasa pa rin ang ABS-CBN ng positibong development mula sa panig ng gobyerno ukol sa kanilang prangkisa sa kabila ng cease and desist order na inilabas ng National Telecommunications Commission (NTC).
Sa kanilang official statement, tiniyak ng TV network na mananatili sila sa kanilang commitment na makapagbigay ng serbisyo sa kabila ng kinakaharap na suliranin.
Naniniwala umano silang ang pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN ay mangangahulugan din ng pagtanggal sa access ng kanilang mga followers sa impormasyong inilalabas sa kanilang mga platform.
Ngayong gabi ay tigil operasyon ang TV at radio channels na nasa ilalim ng kanilang prangkisa.
“This is in compliance with the cease and desist order issued by the National Telecommunications Commission (NTC) today that prohibits ABS-CBN from continuing its broadcast operations effective immediately,” saad ng ABS-CBN statement.
Sa panig naman ng mga tauhan ng network, nababahala silang tuluyang mawalan ng trabaho ngayong panahon pa man din ng COVID-19 pandemic.