-- Advertisements --

Inanunsiyo ni US President Donald Trump na nagkasundo na ang Israel at Iran na magkaroon ng “complete at total ceasefire” sa 12 araw na giyera ng dalawang bansa ilang oras mula ngayon.

Sa isang statement mula sa White House, sinabi ni Trump na magsisimula ang ceasefire o tigil putukan sa oras na makumpleto na ng dalawang bansa ang kanilang huling misyon.

Ayon kay Trump, inaasahan dakong 4AM GMT o alas-12:00 ng tanghali, oras sa Pilipinas opisyal nang magtatapos ang 12 araw na labanan kung saan sisimulan ito ng Iran at susunod ang Israel.

Ayon pa kay Trump, sa kasagsagan ng ceasefire, ang kabilang panig ay mananatiling mapayapa at magalang.

Binati din ng US President ang Israel at Iran sa pagkakaroon ng lakas, tapang at kadunungan sa pagwawakas ng tinawag niyang “The 12 Day War”. Ito aniya ay isang digmaan na maaaring tumagal ng maraming taon, at puminsala sa buong Gitnang Silangan subalit hindi aniya ito kailanman mangyayari.

“CONGRATULATIONS TO EVERYONE! It has been fully agreed by and between Israel and Iran that there will be a Complete and Total CEASEFIRE (in approximately 6 hours from now, when Israel and Iran have wound down and completed their in progress, final missions!), for 12 hours, at which point the War will be considered, ENDED! Officially, Iran will start the CEASEFIRE and, upon the 12th Hour, Israel will start the CEASEFIRE and, upon the 24th Hour, an Official END to THE 12 DAY WAR will be saluted by the World. During each CEASEFIRE, the other side will remain PEACEFUL and RESPECTFUL. On the assumption that everything works as it should, which it will, I would like to congratulate both Countries, Israel and Iran, on having the Stamina, Courage, and Intelligence to end, what should be called, “THE 12 DAY WAR.” This is a War that could have gone on for years, and destroyed the entire Middle East, but it didn’t, and never will! God bless Israel, God bless Iran, God bless the Middle East, God bless the United States of America, and GOD BLESS THE WORLD!

DONALD J. TRUMP, PRESIDENT OF THE UNITED STATES OF AMERICA”

Base sa isang opisyal na may kaalaman sa negosasyon hinggil sa ceasefire, si Qatari Prime Minister Sheikh Mohammed bin Abdulrahman Al Thani ang nakapag-secure ng kasunduan sa Iran sa kaniyang pakikipag-usap sa isang phone call sa mga opisyal ng Islamic Republic.

Ito ay matapos sabihin ni Trump sa Qatari emir na pumayag ang Israel sa ceasefire.

Subalit pinabulaanan naman ito ng panig ng Iran. Ayon kay Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi wala pang ceasefire agreement sa Israel sa ngayon subalit kung ititigil umano ang mga pag-atake sa kanila saka lamang hihinto ang Tehran sa pag-atake.

Sinabi din ni Araqchi na kapag ititigil ng Israeli regime ang iligal na agresyon nito laban sa mga mamamayan ng Iran, hindi lalagpas ng 4am oras sa Tehran, wala silang intensiyon pa na ipagpatuloy ang kanilang pag-atake.