-- Advertisements --
Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na regular holiday ang Abril 21, 2023.
Ito ay bilang obserbasyon ng Eid’l Fitr o Feast of Ramadan.
Ang nasabing deklarasyon ay base sa Proclamation 201 na pirmado ng pangulo.
Nakasaad sa proklamasyon na inirekomenda ng National Commission of Muslim Filipinos ang nasabing pagdeklara bilang obserbasyon sa pagtatapos ng Ramadan ng mga Muslims sa buong mundo.