Posible pa umanong masundan ang paglabas ng volcanic materials ng Taal volcano sa mga susunod na araw.
Ito ang babala ni Phivolcs Dir. Renato Solidum, kasunod ng inisyal na paglabas ng abo kahapon at nasundan pa ng mas mahihinang volcanic activity sa mga sumunod na oras.
Sinabi ni Solidum sa panayam ng Bombo Radyo na hindi dapat maging kampante ang mga mamamaya, dahil normal lang na nagkakaroon ng mga biglaang pag-alburuto ang isang aktibong bulkan.
Maglalaan din umano sila ng observation period na dalawang linggo, bago tuluyang ibababa ang alerto mula sa kasalukuyang alert level 3.
Nitong nakalipas na araw, nagkaroon ng “magmatic intrusion” sa main crater ng Taal, kaya itinaas ang alerto sa level 3.
“At 3:16 p.m., the Taal Volcano Main Crater generated a short-lived dark phreatomagmatic plume 1 kilometer-high with no accompanying volcanic earthquake,” saad ng abiso ng Phivolcs.