Balak nina Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. at dating Surigao del Norte Rep. Ace Barbers, personal na dalawin si dating House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa detention facility, lalo na’t nais nilang malaman ang kalagayan nito matapos maospital kamakailan.
Ayon kay Rep. Abante, kamag-anak at mga abogado pa lamang umano ni Romualdez ang kasalukuyang pinapayagang bumisita.
Sinabi naman ni Barbers na tila limitado pa rin ang access sa detention facility kaya kailangan nilang maghintay hanggang payagan ang kanilang pagbisita.
Partikular na nais ni Barbers malaman ang kalagayan ni Romualdez matapos itong maospital kamakailan.
Magkatuwang na nagtrabaho sa Kamara sina Abante at Barbers kasama si Romualdez bago ito ma-detain.
Nang tanungin kung ano ang dadalhin niya kapag natuloy ang pagbisita, sinabi ni Abante, “Ako, ang dala ko prayers.”















