-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Aabot sa 30 Pinoys ang nag-donate ng dugo sa Roma sa isinagawang blood donation drive ng isang Italian non-profit association ng mga blood donor organizations.

pinoys in blood donation italy 3
Pinoy in Rome, Italy Blood donations

Ayon sa Philippine Embassy sa Italy, ipinahayag ni Felice Di Iorio, presidente ng nasabing asosasyon ang pasasalamat nila sa mga miyembro ng Filipino community sa Italy dahil sa makabuluhang kontribusyon ng mga ito sa Italian society at sa nasabing aktibidad.

Malaki aniyang tulong ang blood donation para makatulong sa COVID-19 emergency kung saan mula ng nagsimula ang outbreak ay hiniling na ng mga health authorities ng Italy ang pag-donate ng dugo sa mga blood banks dahil sa nararanasan nilang mababang suplay ng dugo dahil sa health crisis.

Sinabi ng embahada na ang blood drive ay naorganisa sa partnership sa iPARAMEDICI na isang organisasyon na binubuo ng mga Pinoy sa Roma na nakatutuk sa civil protection, health at safety.

Sa ngayon, sinimulan na ng Italy ang Phase 2 ng kanilang kampanya kontra COVID-19 pandemic kasabay ng unti-unting pag-alis nila sa movement restrictions sa buong bansa.