-- Advertisements --

Kumpiyansa ang House prosecution na kayang panindigan ng kanilang mga ebidensiya ang anumang pagtutol ng depensa ni Vice President Sara Duterte sa impeachment trial.

Ayon kay lead prosecutor Atty. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, matibay ang testimonya ng kanilang mga saksi, kabilang ang financial expert na si Atty. Alexander Cabrera.

Sa pagsusuri ni Cabrera, tinatayang P817.87 milyon ang umano’y hindi naideklarang yaman at kita nina Duterte at asawang si Manases “Mans” Carpio mula 2022 hanggang 2025.

Nakabatay ang pagsusuri sa mga rekord ng bangko, tax returns, SALN at dokumento ng mga kumpanyang may kaugnayan sa mag-asawa.

Umaasa rin si House prosecution spokesperson Ace Barbers na mahihirapan ang depensa na pabulaanan ang mga dokumentong iniharap nila.
Gayunman, bukas ang prosecution sa planong pagharap ng depensa ng sarili nitong financial expert.

Nakatakdang sumailalim si Cabrera sa pagtatanong ng depensa sa Lunes, Oktubre 12. Ang mga alegasyon at resulta ng pagsusuri ay kailangan pang suriin ng depensa at timbangin ng Senado bilang impeachment court.