-- Advertisements --

Tinawag ni Senadora Risa Hontiveros na ‘recycled lies’ at ‘harassment’ ang inihaing ethics complaint ng kampo ni Atty. Ferdinand Topacio laban sa kanya. 

Bunsod ito ng umano’y panunuhol sa mga testigo laban kay Kingdom of Jesus Christ founder Apollo Quiboloy. 

Ayon kay Hontiveros, handa siyang harapin ang anumang rekkamo na isinampa laban sa kanya. 

Nang matanong pa ang senadora kung bothered o nababala siya sa inihaing complaint laban sa kanya, aniya, nababagabag lamang siya dahil ang daming trabaho at isyu na dapat unahin. 

Ngunit nanindigan ang senadora na hindi malilihis ang kanyang atensyon.  

Samantala bumwelta naman si Topacio sa sinabi ni Hontiveros na ang kanilang inihaing complaint ay harassment. 

Ayon sa abogado, mahalaga aniya na mapreserba ang reputasyon ng Senado bilang isang institusyon. 

Hindi aniya pepwede na ang mataas na kapulungan ay mayroong taong nagbabayad o nangingidnap ng mga testigo sa pagdinig. 

Bukod kay Topacio, kasama ring naghain ng ethics complaint si Manuelito Delos Reyes Luna at Jacinto Paras.