-- Advertisements --

Umaabot sa 9,868 ang iniulat ngayon ng Department of Health (DOH) na panibagong mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Dahil dito umaabot na sa kabuuang 2,622,917 ang tinamaan ng coronavirus sa bansa.

Samantala ay mayroon namang naitalang 133 na gumaling.

Ang mga nakarekober sa bansa ay umaabot na sa 2,471,282.

Habang walang nai-record na bagong namatay dahil pa rin sa problema sa pagtatala o technical issues.

Nananatili naman ang death toll sa bansa sa 38,828.

Pero merong mga aktibong kaso ngayon na nasa 112,807.

Mayroon namang dalawang laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Sa kabila ng nakikitang pagbaba ng bilang ng mga kaso, mapapansin na mataas pa rin ang ating healthcare utilization rate,” paala pa rin ng DOH. “Huwag tayong maging kampante at patuloy na sumunod sa minimum public health standards at magpabakuna kapag tayo ay eligible na upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.”

Nagpaliwanag din naman ang DOH na ang “lower case counts” ay bunsod din ng mababang laboratory output.