TUGUEGARAO CITY – Ipinagkibit-balikat lamang ni dating Senator Juan Ponce Enrile ang kumakalat na balita na siya ay kritikal dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa naging panayam kay Enrile, malusog at maayos aniya ang kanyang kondisyon.

Ayon kay Enrile, maaring ang kanyang mga kalaban sa politika ang nagpakalat sa nasabing impormasyon dahil sa paghahangad na siya ay mamatay na.

Kaugnay nito, sinabi ng dating senador na hahayaan na lamang niya ang mga nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanya sapagkat wala naman itong katotohanan.

Giit nito, malusog at malakas pa siya sa kabila ng kanyang edad na 97.