-- Advertisements --

Umabot na sa P34.099 trillion ang kabuuang yaman ng financial system ng Pilipinas, batay sa preliminary data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) hanggang Mayo ng taong 2025.

Mas mataas ito ng 6.16% kumpara sa P32.119 trilyon noong parehong buwan ng nakaraang taon.

Batay pa sa BSP ang P28.228 trillion o 82.78% ay mula sa mga bangko, habang ang natitirang P5.871 trillion (17.22%) ay hawak ng mga nonbank financial institutions.

Universal at commercial banks (UKBs) ang may pinakamalaking bahagi sa resources ng mga bangko, na may kabuuang P26.202 trilyon —katumbas ‘yan ng 92.82% ng kabuuang yaman ng banking sector. Tumaas ito ng 5.65% mula noong Mayo 2024.

Samantala, ang mga nonbank financial institutions ay may kabuuang assets na P5.871 trillion hanggang Disyembre 2024, at tumaas ng 3.80%.

Saklaw ng nonbank sector ang mga investment houses, financing at investment companies, pawnshops, NSSLAs, pati na rin ang mga institusyong gaya ng SSS, GSIS, at mga insurance companies, kabilang ang ilang korporasyon ng gobyernop gaya ng PhilGuarantee at Small Business Corporation.