Isiniwalat ng music legend na si Tony Bennett na kasalukuyan itong nakikipaglaban sa Alzheimer’s disease.
Batay sa feature report ng AARP magazine, noon pang 2015 nang makitaan ng sintomas ng nasabing sakit ang 94-year-old legendary singer.
“Life is a gift — even with Alzheimer’s.Thank you to [his wife] Susan and my family for their support, and @AARP The Magazine for telling my story,” saad ni Bennett sa isang social media post.
Pormal na na-diagnose na may Alzheimer’s si Bennett noong 2016, ngunit hindi ito nahalata ng publiko dahil patuloy pa rin itong nagtatanghal.
Matapos namang mahikayat ng kanyang mga neurologists, itinuloy pa rin ni Bennett ang kanyang pagkanta at pagtugtog ng musika sa kanilang tahanan upang makatulong sa pag-stimulate ng kanyang utak sa positibong pamamaraan.
Mayroon din daw itong sinusunod na special diet at regular din umano itong nag-eehersisyo.
Inilarawan din ng asawa ni Bennett na si Susan at ng panganay nilang si Danny kung papaano nagpe-perform ang singer kahit na nalilito ito.
“Both Susan and Danny said that backstage, Tony could seem utterly mystified about his whereabouts. But the moment he heard the announcer’s voice boom ‘Ladies and gentlemen — Tony Bennett!’ he would transform himself into performance mode, stride out into the spotlight, smiling and acknowledging the audience’s applause,” saad sa report.
Huling nagtanghal sa publiko si Bennett noong Marso 11, 2020 sa Count Basie Center for the Arts sa Red Bank, New Jersey. (CNN)