-- Advertisements --

Kinumpirma ng kampo ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo ‘Arnie’ Teves Jr. na bumubuti na ang kalagayan nito matapos iinda ang malubhang pananakit ng tyan.

Ibinahagi ni Atty. Ferdinand Topacio na mas nagiging maayos na ng bahagya ang medikal na kondisyon ng kanyang kliyente.

Ayon pa sa kanya, ang dating kongresista ay ngayo’y maari ng makakain ng ilang piling pagkain kasunod ng halos apat na araw hindi makakain mula sa kanyang bibig.

Ang inindang malubhang pananakit rin ng tyan ni ex-Cong. Arnie Teves Jr. ay humuhupa na kumpara sa nakaraan.

Ani pa niya’y nakakabawi na ng lakas ito ng paunti-paunti kasabay ng patuloy pa ring pagbabantay ng mga doktor niya o ‘around-the-clock’ monitoring.

Inaasahan namang magtutuloy-tuloy ang kanyang matagumpay na pagrekober sakaling wala ng biglang lumitaw na panibagong kumplikasyon o karagdagang medikal na atensyon.

Sa kasalukuyan ay kinakaharap pa rin ng dating kongresista ang patung-patong na kaso na may kinalaman sa illegal possession of firearms and explosives at pagpatay o murder.

Siya kasi ang itinuturo umanong mastermind sa likod ng naging madugong pagpatay kay former Negros Oriental Governor Roel Degamo noong taong 2023.