Umani ngayon ng panawagan para sa dasal ang lagay ng beteranong aktor na si Eddie Garcia matapos himatayin sa set ng bagong teleserye nito na kinukunan sa Tondo, Maynila.

Batay internet post ng aktres na si Vivian Velez, makikita na nagtulong-tulong ang production staff at ilang by-standers na alalayan si Garcia matapos himatayin.

Isinugod daw ito sa malapit na ospital kung saan sandaling na-comatose.

Sa ngayon nagpapagaling na raw ang 90-anyos na aktor at nagpapagaling sa St. Lukes Medical Center sa Quezon City.

“He is still under critical observation and all his doctors are doing their best to assure that he gets the best care,” ayon sa GMA-7 na siyang may hawak ng programang kinabibilangan ni Garcia.

Nagpasalamat naman ang pamilya ng aktor dahil sa buhos ng mga panalangin para sa paggaling nito.

“Our family would like to extend our sincerest gratitude to all those who have expressed concerns and extended prayers,” ayon sa statement.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here