-- Advertisements --

Calbayog mayor killing

Nasa kustodiya na ngayon PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang siyam na Pulis na itinuturong suspek sa pagpatay kay Calbayog City Mayor Ronaldo Aquino.


Ito’y matapos sumuko sa Criminal Investigation and Detection Group – Detective Special Operations Unit o CIDG-DSOU sa Kampo Crame ang mga naturang Pulis ala -7 ng gabi nuong Pebrero 15.

Nakatakdang iprisinta ang mga sumukong Pulis kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay CIDG Spokesperson Ltc Mon Sawan, boluntaryong sumuko ang mga nasabing pulis sa CIDG.

Pino proseso na sa ngayon ang pagbabalik ng warrant of arrest para sa mga pulis na nasa likod sa pagpatay kay Mayor Aquino.

Hindi naman masabi ni Ltc Sawan kung kailan ibibiyahe pabalic ng Catbalogan City ang mga akusadong pulis.

Magugunita na March 8 ng nakalipas na taon nang pagbabarilin si Mayor Aquino kasama ang driver nito at dalawang Pulis habang lulan ng sinasakyan nilang Van.

Kabilang sa mga kinasuhan ng Department of Justice o DOJ ng 4 na patong ng Murder at Frustrated Murder sina P/LtC. Harry Villar Sucayre ang siyang Team Leader ng PNP IMEG sa lugar.

Gayundin sina P/Maj. Shyrille Co Tan; P/Capt. Dino Laurente Goles; P/Lt. Julio Salcedo Armeza Jr.; P/SSgt. Neil Matarum Cebu; P/SSgt. Edsel Tan Omega; PSSgt. Randy Caones Merelos; P/Cpl. Julius Udtujan Garcia at Patrolman Niño Cuadra Salem.