-- Advertisements --

Tiniyak ng Malakanyang na hindi papayagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na may mga kwestiyunableng proyekto na masisingit sa 2026 national budget.

Tugon ito ng Palasyo matapos ibunyag nina House Deputy Speaker Ronaldo Puno at Marikina Representative Marcy Teodoro na may mga kwestiyunableng proyekto silang nakita sa ilalim ng 2026 National Expenditure Program (NEP).

Partikular na tinukoy ni Rep. Puno ang mga priority projects  mula sa kaniyang distrito na nawala sa NEP.

Sa panig naman ni Rep. Teodoro ang proyekto na tinukoy sa NEP ay nakumpleto na subalit muling nabigyan ng pondo sa 2026 NEP.

Ayon naman kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na huwag kaagad husgahan ang isyu, dapat makipag ugnayan muna ang mga lawmakers sa Department of Public Works and Highways hinggil sa nakitang kwestiyunableng proyekto at alamin muna ng mabuti ang detalye ng proyekto.  

Payo ng Malakanyang na mag-usap muna ang DPWH at mga Kongresista ukol dito.

Giit ni USec. Castro kapag napatunayang isiningit talaga ang proyekto sa 2026 budget hindi ito papayagan ng pangulo.

Ayon kay Castro, galit na ang Pangulo sa nasabing kontrobersiya dahil ang nasabing pondo ay para sa taumbayan.

Dinipensa naman ng Department of Budget and Management (DBM) ang alegasyon na kanilang minaniobra ang pambansang budget.

Inihayag ni Castro batay sa pahayag ng DBM ibinigay lamang sa kanila ang proyekto.

Sinabi ng Palace official na mas mabuti kung may ipapakitang ebidensiya ang mga lawmakers at kung mapatunayan na may nagsingit dapat ito managot.

Iimbestigahan din ng independent commission ang umano’y insertions sa 2026 National Expenditure Program (NEP).

Sa ngayong pina finalize na ang magiging composition ng bubuuing Independent Commission.