-- Advertisements --
Inanunsiyo ni US President Donald Trump na gagawaran niya ng Presidential Medal of Freedom si dating New York City Mayor Rudy Giuliani.
Isinagawa nito ang anunsiyo ilang araw matapos na masangkot sa aksidente ang sasakyan ni Giuliani.
Tinawag pa ni Trump ang mahigpit na kaalyado bilang pinakamagaling na alkalde sa kasaysayan ng New York City at isang Great American Patriot.
Kasalukuyang nagpapagaling ang dating alkalde sa pagamutan matapos ang kinasangkutang aksidente.