Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO-Siyam ka tao ang nasawi sa dengue sa probinsya ng Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Integrated Provincial Health Office (IPHO) Chief,Dr Tahir Sulaik na tumaas ng 60 ang kaso ng Dengue sa Maguindanao sa first 2 quarter ng 2019.

Nakapagtala ng 669 cases mula sa buwan ng Enero hanggang Hunyo ngayong taon.

Mas mataas ito kung ihambing sa kaparehong buwan noong 2018 na may 393.

Pinakamataas na naitala ay nagmula sa bayan ng Datu Odin Sinsuat 128 Dengue Cases, sinundan ng Sultan Mastura na may 77, Upi 73, Parang 67 at Buluan 34 cases, kung saan halos lahat ng bayan sa probinsya ay may kaso ng Dengue.

Mula sa buwan ng Enero hanggang Hunyo umaabot na sa siyam ka tao ang nasawi sa dengue sa Maguindanao.

Tatlo ay nagmumula sa Sultan Mastura,2 sa Parang at tig iisa mula sa Barira, Datu Odin Sinsuat, Datu Paglas, at South Upi na karamihan ay mga estudyante.

Nagpapatuloy ngayon ang pagsisikap ng IPHO Maguindanao sa pangunguna ni Dr. Tahir Sulaik para mapigilan ang pagtaas ng bilang ng mga nagkakasakit ng dengue,

Nagpagpaalala rin si Sulaik na ugaliin ang 4 oclock habbit sa paligid ng bahay at mga paaralan lalo na ngayong panahon ng tag-ulan.