-- Advertisements --

Nakatakdang maghain ng kaso ang Bureau of Immigration laban sa siyam na foreign national na nakuhanan ng P441-M undeclared cash sa Mactan-Cebu International Airport .

Sa isang pahayag ay sinabi ni BI Commissioner Joel Anthony Viado na mahaharap ang mga ito sa kasong kriminal.

Bukod dito ay mahaharap din sila sa kasong paglabag sa Anti-Money Laundering Law at immigration proceedings .

Ayon sa BI, kabilang sa mga naarestong banyaga ay pitong Chinese, isang Indonesian at isang Kazakhstani national.

Aniya, mahigpit na ipinagbabawal sa immigration law ng bansa ang anumang mga aktibidad ng foreign national na maaaring maging banta sa security ng bansa.

Dahil dito nailagay na ang mga ito sa blacklist upang hindi na makapasok pang muli sa bansa.