Reading Time: 1 minute

Nasa siyam katao ang inaresto sa isinagawang anti-drug operations sa Barangay Greater Fairview, Quezon City.

Naaresto ang target ng operasyon na si alyas Tongtong na nasa drug watchlist sa lugar at walong ibang mga kasama nito.

Ikinasa nitong Martes ng gabi ang operasyon matapos na makabili ang isang police asset ng P200 na halaga ng hinihinalang shabu.

Nakuha sa mga suspek ang 10 sachet na naglalamang ng pinaghihinalaang shabu na nagkakahalaga ng P12,000.