Patay ang 80 sundalo dahil sa missile attack sa military training camp sa Yemen.

Naganap ang insidente sa central province ng Marib na may layo ng 170 km ng Sanaa capital.

Tinarget ng missile strike ang mosque kung saan maraming tao ang nagtutungo para magdasal.

Sinisi naman ng gobyerno ang Houthi rebels na siyang nasa likod ng pang-aatake.

Kinondina naman ni Yemeni President Abdrabbuh Mansour Hadi ang nasabing pang-aatake at tinawag niyang mga duwag ang may kagagawan ng insidente.