Sugatan ang anim katao sa Israel matapos tumama ang isang missile mula Yemen malapit sa terminal ng Ben Gurion Airport sa Israel nitong Linggo ng umaga, ayon sa mga awtoridad.
Ayon sa mga ulat, pansamantalang sinuspinde ang mga flight sa paliparan ngunit agad itong muling binuksan. Naglabas ng babala si Israeli Defense Minister Yoav Gallant, na nagsabing, na gaganti ng pitong beses ng mas matindi.
‘Anyone who hits us, we will hit them seven times stronger,’ pahayag ni Gallant.
Inako ng Houthi rebels mula Yemen ang pag-atake. Ayon sa tagapagsalita ng grupo, hindi na ligtas para sa mga biyahe ang paliparan. Ipinakita rin sa mga local media ang isang malaking hukay sa lugar kung saan tumama ang missile.
Bagamat madalas maglunsad ng missile attacks ang mga Iran-backed Houthi rebels laban sa Israel bilang suporta sa Hamas, bihira itong makalusot sa depensa ng Israel.
Patuloy ding inaatake ng grupo ang mga barko sa Red Sea, na tinutugunan naman ng airstrikes mula sa U.S. at U.K.