Walong katao ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa harap ng isang bar sa San Antonio, Texas.

Ayon kay San Antonio Police Chief William McManus, nag-ugat daw ang insidente sa hindi pagpapasok sa isang grupo sa bar dakong hatinggabi.

Dahil dito, nagtungo sa isang sasakyan ang isang lalaki na kasama sa grupo, kumuha ng baril, at nagsimula na raw itong paputukan ang mga tao sa paligid.

Pero sninabi ni McManus, matapos ang insidente ay tumakas na ang gunman.

Kabilang umano sa mga biktima ang limang babae at tatlong lalaki, na nasa edad 23 hanggang 41.

Nasa maayos na ring kondisyon ang mga biktima na isinugod sa kalapit na mga pagamutan.

Sa ngayon, hindi pa tukoy ang pagkakakilanlan ng suspek. (Reuters)