(Update) CAUAYAN CITY – Pito ang patay habang 32 ang nasugatan matapos bumaligtad ang sinasakyan nilang pampasaherong jumbo jeep sa lansangang nasasakupan ng Brgy. Balaga, San Mariano, Isabela.

Kinilala ang mga nasawi na sina Jeoffry Calinggal, 25, tsuper ng jeep; John Lloyd Rivera, Marilyn Gammad, Gina Magusib, Gines Tapauan, John Lloyd Caliente, Carmelita Zalum, pawang mga residente ng Macayucayu at Iring Cleto na taga-Tumauinin, Isabela.

Ang mga nasugatan naman ay sina Mary Jane Pauig, Adelfa Maramag, Jhon paul Pauig, Irene Balubal, Carmelita Zalun Melanie Zalun, Carol Rivera, Jenalyn Tasi, Mae ann Bunagan, Mercury Dlores, Rufina Madria, Marisol Rivera, Rosalia Bazar, Frederick Bunagan, Michelle Mae Barulo, Nelson Calinggal, Daisy Bazar, Raquel Tapauan, James Zalun, Marcos Castillo, Lovelito Puno, Vivian Lazaro, Criselda Lazaro, Geraldine Infiel, Josephine Amistoso, Monaliza Guzman, Joselito Flores, Rey Guzman, Aida Balabad, Celia Bulan, Aring Catubay, Ricalyn Tapaoan pawang mga residente ng Brgy. Macayucayu.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan kay Lt. Jess Alonzo, deputy chief of police ng San Mariano Police Station, sinabi niya na pauwi na sana kahapon sa Brgy. Macayucayu, San Mariano ang jumbo jeep lunan ang maraming bilang ng mga pasahero.

Nang makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay nagkaroon daw ng mechanical error ang jeep.

Bumangga pa ito sa bundok bago tuluyang mahulog sa mahigit 10 metrong lalim na bangin.

Ang mga biktima ay pawang nagtamo ng malalang sugat sa katawan at puno ng putik nang isugod sa pagamutan.

Agad na dinadala sa iba’t ibang pagamutan ang mga biktima upang malapatan ng lunas.

Napag-alaman na ang jeep ay overloaded.

Laman din kasi nito ang mga pinamiling pagkain ng mga nasabing pasahero.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here