Walong sinasabing miyembro ng New People’s Army ang patay sa nangyaring engkwentro laban sa militar sa Sitio Agit, Barangay Trinidad, Guihulngan City, Negros Oriental alas-12:55 ng hapon kahapon.
Ayon kay Army Major Cenon Pancito III, spokesperson ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, naka-engkwentro ng mga miyembro ng 62nd Infantry Batallion ang humigit kumulang 40 na mga CPP-NPA na pinaniniwalaang kombinasyon ng Sentro de Gravidad (SDG) kag Samahang Yunit Propaganda (SYP) platoon sang Central Negros 1, Komiteng Rehiyon-Negros-Cebu-Bohol at Siquijor.
Umabot naman sa tatlong oras ang palitan ng putok ng dalawang grupo.
Sa pag-atras naman ng rebeldeng grupo, nakita ng mga militar ang walong mga bangkay sa encounter site.
Nakuha rin ng mga militar sa lugar ang 11 high powered firearms na binubuo ng anim na cal. M16 rifle, dalawang cal. M14 rifle, isang cal. M4 rifle, isang M60 Machine Gun, isang KG9 Sub-Machine Gun at dalawang landmine.
Nagdeploy naman ng mga tropa ang militar para sa hot pursuit operations ng mga tumakbong miyembro ng rebeldeng grupo.
Wala namang may nasawi sa tropa ng gobyerno.