-- Advertisements --

ILOILO CITY – Patuloy pa na pinaghahanap ng Philippine Coast Guard (PCG) ang magpamilya na na-missing sa baybayin ng Carles, Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Commander Edison Diaz, ng PCG – Iloilo, sinabi nito na lilikas sana ang walong myembro ng pamilya mula sa Isla ng Sapatos Gamay sa Capiz at patungo sa kanilang bahay sa Bangkal, Carles Iloilo.

Samantala ayon naman kay Iloilo Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Dr. Jerry Bionat, sinabi nito na ang walong myembro ng pamilya ay kinabibilangan ng mag-asawa at lima nilang mga anak kung saan apat sa mga ito ay menor de edad.

Sa ngayon ayon kay Bionat pahirapan ang paghahanap sa magpamilya dahil na rin sa sama ng panahon.