-- Advertisements --

Papalo sa mahigit 79,000 ang bilang mga mangingisdang mabibigyan daw ng fuel sudsidy na ipapamahagi ng Department of Agriculture (DA).

Sinabi ni Agriculture Undersecretary for Agri-Industrialization and Fisheries Cheryl Marie Natividad-Caballero ang mga mangingisda ay rehistrado raw sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources’ (BFAR) Boat Registry system at naka-encode ito sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA).

Ang mga benepisaryo ay makakatanggap ng tig P3,000 sa pamamagitan ng Development Bank of the Philippines’ (DBP) discount cards na ipapamahagi sa pamamagitan ng mga regional offices sa mga fisherfolk.

Ang fuel subsidy program ay mayroong pondong P500 million para sa mga magsasaka at mangingisda.

Sa naturang halaga, nasa P492.5 million ang magagamit para bayaran ang mga oil companies at fuel retailers na makiki-participate sa programa.

Ang natitirang P7.5 million naman ay mapupunta sa operational o administrative expenses.

Una rito, muling nagpaalala si DA Secretary William Dar na ang mga eligible beneficiaries lamang na rehistrado sa kanilang sistema ang makakakuha nbg benepisyo.