DAVAO CITY – Magpapatayo ng kanyang sariling karinderya at sari-sari store ang plano ng 77-anyos na pensionada matapos mapanalunan ang P1-milyon sa Grand Draw ng One… Two… Panalo Part 18 ng Bombo Radyo at Star FM.

Inihayag ni Lagrimas Agsam, residente ng Tapay St., Mintal, lungsod ng Davao na malaking tulong na ang premyong kanyang napanalunan upang maiangat ang buhay ng kanilang pamilya.

Napaiyak at nagulat si Nanay Lagrimas ng mismong narinig niya ang kanyang pangalan na binasa ni Arnold Alindada, regional supervisor ng Food and Drugs Administration.

Dagdag pa ni Lagrimas na mula sa kanyang napanalunan, plano niyang magbakasyon, mag-negosyo at lalong lalo na na tulungan ang kanyang pamilya.