CENTRAL MINDANAO- Patuloy ang operasyon sundo sa mga airport ng TF SAGIP Stranded North Cotabateños at abot sa 74 LSI’s at ROF’s ang natulungan.

Kabilang sa nakauwi ay si Ginang Leah Domingo Gono, ROF at residente ng brgy. Bialong, Mlang, North Cotabato. Ang pagbyahe ni Gono ay unang naisangguni ng OWWA sa probinsya dahil nasa maselan na kondisyon sa kanyang iniindang sakit.

Agad namang sinundo ng Mdrrmo M’lang si Ginang Gono sa probinsya upang matutukan ang kalagayan nito sa abiso ni M’lang Mayor Russel Abonado

Ayon Kay Bernardo Adelantar Tayong II Head ng Mdrrmo Mlang, pagtutuunan ng pansin nila si Gono habang nasa quarantine facility.

Kanilang imomonitor ang kanyang kalagayan hangang matapos ang kanyang 14 days quarantine sa pagtutulungan ng kanyang pamilya

Lubos ang pasasalamat ng mga nasundo mula sa mga paliparan sa programa ni Governor Msmcy Catamco.

Umaabot sa 34 Lsis at 40 na Rofs ang natulungan ng pamahalaang probinsya.