DAGUPAN CITY- Wala ng buhay ng matagpuan ang katawan ng isang 71 anyos na driver sa isang palayan sa Brgy. Cabaritan sa bayan ng Sison, Pangasinan.

Kinilala ang biktima ay kinilala na si Ticiano Agustin na pinaniniwalaang may sakit na altapresyon.

Una rito ay nakatanggap ng tawag ang himpilan mula sa kapitan ng barangay na isang bangkay ang kanilang natagpuan.

Mga kaanak pa umano ng biktima ang nakatagpo sa kanyang wala ng buhay na katawan sa palayan malapit lamang sa kanilang tahanan.

Samantala, hiniling ng kanyang kaanak ang pagsasagawa ng Post Mortem Examination sa bangkay nito upang malaman ang naging dahilan ng kanyang kamatayan.