-- Advertisements --
image 200

Ayon kay Justice Secretary Crispin Remulla, madaming nakapiit ngayon sa mga bilangguan na hindi dapat nakakulong.

Para naman ma-doble ang bilang ng mapalayang persons deprived of liberty (PDLs), sinabi ni BuCor OIC Gregorio Catapang Jr. na bubuo sila ng volunteer lawyers sa bawat penal farms para maasikaso ang release data ng mga bilanggo.

Kaugnay nito, inihayag din ni Remulla na target ng Department og Justice (DoJ), Bureau of Corrections (BuCor) at Public Attorney’s Office (PAO) na magawaran ang 1,000 hanggang 2,000 preso ng executive clemency.

Target aniya nila ito sa susunod na 60-75 araw.

Ayon sa kalihim, ito ang tinatrabaho ng kagawaran ngayon katuwang ang PAO.

Aniya isinasaayos na nila ang proseso ng vetting ng mga inirerekomenda para sa clemency.

Simula aniya Setyembre ay nagsumite na sila pangalan ng mga rekomendasyon para mabigyan ng clemency.

Sa Martes din ay makikipagpulong si Remulla kay Executive Secretary Lucas Bersamin para madetermina ang petsa ng paggawad ng clemency.