-- Advertisements --

Simula bukas ay itataas na ng Department of Transportation (DOTr) ang passenger capacity para sa mga tren at ilang piling public utility vehicles (PUVs) sa 70 percent mula sa kasalukuyang 50 percent.

Ang pagbabagong ito na nakasaad sa Memorandum Circular 2021-064 ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) ay para sa mga Public Utility Buses (PUBs), Public Utility Jeepneys, at UV Express (UVEs) sa Metro Manila at mga kalapit na probinsya tulad ng Laguna, Rizal, Cavite, at Bulacan.

Ang desisyon na ito ay resulta na rin ng patuloy na pagbaba ng mga naitatalang bagong COVID-19 cases sa bansa at sa agresibong COVID-19 vaccination roll-out ng pamahalaan.

Oktubre 28 nang inaprubahan ng IATF ang rekomendasyon ng DOTr at LTFRB na magpatupad ng gradual increase sa passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan, kabilang na ang sa road at railway sustems sa loob ng isang buwan hanggang sa maabot ang full capacity.