-- Advertisements --
Patay ang 10 katao matapos ang pagbangga ng tren sa isang double-decker bus na pampasaherong bus sa Mexico.
Ayon sa Civil Protection ng Mexico, na mayroong 41 na iba pa ang sugatan.
Nangyari ang aksidente sa bayan ng Atlacomulco kung saan bigla na lamang tumawid ang bus sa riles at doon nabangga ng paparating na tren.
Nasa kustodiya na ng mga kapulisan ang driver ng bus habang isinasagawa ang masusing imbestigasyon.