-- Advertisements --

pama2

Na-rescue ng mga tauhan ng Phil Army 48th Infantry Battalion at Floridablanca PNP ang 70 mountaineers, hikers at cyclist sa isinagawang dalawang araw na search and rescue operations dahil sa sama ng panahon dulot ng low pressure area na naranasan nitong nakalipas na araw.

Ayon kay 7th Infantry Division spokesperson Maj. Amado Gutierrez batay sa report ni 48th IB commanding officer Lt. Col. Felix Emeterio Galvez nasa 23 individuals ang kanilang na-rescue noong Oct. 11 sa may Barangay Macawat, Floridablanca na agad naman nai-turn over sa mga opisyal ng kanilang mga localities.

Sinabi ni Galvez, nagtungo ang mga hikers sa Malalatawan falls at dito na sila na stranded dahil sa sama ng panahon.

pama4

Noong October 12, na-rescue din ng mga sundalo at pulis ang nasa 47 individuals sa Sitio Telepayong, boundaries ito ng Brgy Mawacat, Floridablanca, Pampanga at Subic, Zambales.

Agad na binigyan ng pagkain at first aid ang mga na-rescue na indibidwal.

Pinuri naman ni 7th ID commanding general M/Gen. Alfredo Rosario ang mga sundalo sa kanilang effort sa pag rescue sa mga na stranded na indibidwal.

Pinayuhan din ng heneral ang mga mountaineers, hikers at cyclist na maging mapagmatyag sa kanilang mga aktibidad lalo na kapag masama ang panahon.

Binigyang-diin naman ni 703d Brigade commander B/Gen. Andrew Costelo na ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayan ang prayoridad ng mga sundalo.