Reading Time: 1 minute

CENTRAL MINDANAO-Sugatan ang pitong katao sa panghahagis ng granada sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang mga biktima na sina Adam Macabuat,Nurodin Karil,Ebrahim Karim,Fahad Salik,Bai Mulod Karil ,Rakma Unting Karil at Ali Karil,mga residente ng Brgy Rebuken Sultan Kudarat.

Ayon kay Sultan Kudarat Maguindanao Chief of Police,Major Julhamin Asdani na habang kumakain ng barkekyung manok ang mga biktima sa gilid ng national highway sa Brgy Rebuken sa bayan ng Sultan Kudarat ay bigla itong hinagisan ng granada ng dalawang hindi kilalang suspek na lulan ng motorsiklo na mabilis namang tumakas.

Ang mga sugatan ay agad dinala ng kanilang mga kamag-anak sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa Cotabato City.

Nagtamo ng maraming sugat ang mga biktima at patuloy na nagpapagaling sa pagamutan.

Alitan sa pamilya o rido ang nakikita ng mga otoridad sa panghahagis ng granada sa mga biktima at patuloy nilang iniimbestigahan.