-- Advertisements --
tornado misamis

CAGAYAN DE ORO CITY – Nasa ligtas ng kalagayan ang halos 10 ang mga residente na nagtamo ng mga sugat nang hinagupit ng ipo-ipo ang ilang barangays ng Tudela, Misamis Occidental.

Ito ay matapos na mabagsakan ng mga nasirang bahagi ng halos 100 mga bahay na ang iba ay lumipad na mga debris sa kasagsagan ng ipo-ipo sa nasabing lugar.

Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Misamis Occidental Provincial Police Office spokesperson Lt Charien Estenzo, unang tumama ang malakas ng hangin sa Barangay Basirang at umaabot rin ito sa Sebac, Upper Centro at Centro Napu dahilan kaya nagtala ng halos 100 a pamilya ang naapektuhan sa pangyayari.

Inihayag ni Estenzo na inaalam pa ng local government unit kung magkano ang naitala na danyos sa nangyari.

Habang nag-ambagan ng tulong ang provincial government at congressional district offices ng kanilang mga opisyal sa lugar.

Sa ngayon, pansamantala nang inilikas ang mga apektadong pamilya sa ilang bakante na pasilidad ng gobyernong lokal at mayroon namang iba na nananatili lamang sa lugar habang hinihintay ang pagdating ng tulong para sa kanila.

Una nang umapela ng tulong si Misamis Occidental Gov. Philip Tan mula sa karatig munisipyo ng probinsya at pribadong sektor para mapadali ang pagbalik normal ng mga residente.