-- Advertisements --

Umakyat na sa pito ang miyembro ng PNP ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay PNP Spokesperson PBGen. Bernard Banac, apat ang nadagdag sa tala ng PNP Health Service, ito ay isang 53-anyos na lalaki, isang 52-anyos na lalaki, isang 47 taong babae, at isang 46 taong lalaki na pawang naka-assign sa Metro Manila.

Unang iniulat ni Banac noong nakaraang linggo na 3 pulis ang nag-positibo sa coronavirus, kabilang ang isang 35 taong pulis-Pasay, isang 52 taong pulis-Laguna, at isang 32 taong pulis mula sa NCR.

Base sa latest Covid-19 data ng PNP Health Service, 145 PNP personnel (25 PCO, 115 PNCO and 5 NUP) ang inirekomenda ng PNP Health Service bilang Persons Under Investigation o PUI, habang 1,416 PNP personnel (268 PCO, 1,086 PNCO and 62 NUP) ang nakalista bilang Persons under monitoring (PUM).

Dahil sa pagtaas ng bilang ng mga pulis na possibleng apektado ng Covid 19, binuo ng PNP ang NHQ Medical Reserve Force (MRF) para suportahan ang Covid-19 Operations Task Force.

Sinabi ni Banac ang MRF ay binubuo ng 257 PNP Personnel na nakapag tapos sa medical-related course, upang i-augment ang mga tauhan ng PNP Health Service at PNP General Hospital.