Inilabas na ng Democrats sa US House of Representatives ang pitong miyembro na mangunguna sa impeachment trial ni President Donald Trump.

Pangungunahan ito ni Adam Schiff ang chairman ng House Intelligence Committee ang prosecutors sa impeachment trial.

Si Schiff kasi ang nanguna rin sa House impeachment investigation sa pakikipag-usap ni Trump sa pangulo ng Ukraine para ipaimbestiga si US Vice President Joe Biden.

Makakasama ni Schiff sina House Judiciary Chair Jerry Nadler, Rep. Hakeem Jeffries, Rep. Jason Crow, Rep. Val Demings, Rep. Zoe Lofgren, Rep. Sylvia Garcia.

Sinabi ni House Speaker Nancy Pelosi na napili ang mga prosecutors sa kanilang abilidad na magkaroong ng epektibong kaso.