CAUAYAN CITY- Malaki ang ibinaba ng crime related incidents ng San Mateo Police Station dahil sa pagpapatupad ng MGCQ.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Jayson Tappa ang admin-operations Officer ng San Mateo Police station, sinabi niya na mula Enero hanggang Hulyo ay naaresto nila ang dalawang top most wanted municipal level sa kasong illegal recruitment habang matagumpay rin nilang nadakip ang mga suspek sa mga inilunsad nilang illegal drug buy bust operation.
Pitong loose firearms na kinabibilangan ng anim na pistol at isang riffle ang naipasakamay sa kanilang tanggapan na karamihan ay nagpaso na ang lisensiya o patay na ang nagmamay-ari ng baril.
Umabot naman sa 44 ang paglabag sa panuntunan ng IATF at sa Republic Act 11332 pangunahin na ang paglabag social distancing at magka-angkas na walang barrier.
Ang mga nahuling lumabag ay binigyan ng warning para sa first offense habang ang mga mahuhuli sa pangalawa at pangatlong paglabag ay sasampahan na nila ng kaso.