Hindi bababa sa kabuuang 160 dating rebelde sa lalawigan ng Sorsogon ang sumuko at nagbalik loob sa gobyerno.
Bahagi pa rin ito ng Whole-of-Nation Approach ng pamahalaan para magkaroon ng pagkakaisa at katahimikan sa bansa.
Isinagawa ang Ceremonial Withdrawal of Allegiance and Reintegration of Former Rebels sa Sorsogon City.
Sa isang pahayag, sinabi ni PBGEN Nestor C. Babagay Jr., Regional Director ng Police Regional Office 5 na ang hakbang na ito ay simbolo ng pag-asa para sa mas ligtas na kinabukasan ng mga pamilya, magsasaka, at kabataan sa Bicol.
Bilang ganti sa pagbabalik loob, binigyan ng gobyerno ang returnee’s ng financial assistance at makikinabang sa Comprehensive Transformation Program.
Nilalayon ng programang ito na tulungan sila sa pamamagitan ng local amnesty, livelihood support, pabahay, healthcare, at iba pang reintegration support mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
















