CENTRAL MINDANAO- Pitong mga terorista ang nasawi sa engkwentro ng militar at pulisya sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na si Mama Macalimbol at anim nitong mga tauhan pawang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters.

Ayon sa ulat ng 602nd Brigade na namataan ang grupo ni Macalimbol sa Sitio Narra Brgy Tumbras Midsayap North Cotabato.

Nang magresponde ang Midsayap PNP at tropa ng 34th Infantry Battalion Philippine Army ay agad silang pinaputukan ng mga rebelde.

Gumanti ng putok ang mga otoridad dahilan ng apat naput minutong palitan ng bala sa magkabilang panig.

Napatay sa engkwentro si Mama Macalimbol at anim nitong mga kasamahan habang wala namang nasugatan sa 34th IB at PNP.

Narekober ng mga otoridad sa mga bangkay ang dalawang cal.30 garand riffles, dalawang M14 rifle isang Cal. 50 Improvised Barret, isang Improvised 7.62 mm M14 Rifle,isang M16 rifle,pampasabog at mga bala.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang combat clearing operation ng PNP at 34th IB laban sa BIFF sa bayan ng Midsayap.