-- Advertisements --

Ipinagmalaki ng Kamara na pitong panukala ang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte para maging ganap na batas.

Magmula nang magbukas ang 18th Congress noong Hulyo 22, 2019 hanggang Enero 22, 2020, sinabi ni Majority Leader Martin Romualdez na 6,748 panukalang batas, 501 resolusyon at 201 na committee reports ang natanggap ng Kamara.

Kabilang sa naturang bilang ang pitong panukalang batas na naging ganap nang batas.

Kabilang dito ang Republic Act (RA) No. 11462 o Postponing the May 2020 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections; RA No. 11463 o Establishing Malasakit Centers in All Department of Health Hospitals kung saan mas pinalawak ang access ng idigent patients sa kalidad na medical at primary health care services; RA No. 11464 o Extending the Availability of the 2019 Appropritaions to December 31, 2019; RA No. 11465 o ang P4.1-trillion national budget; RA No. 11466 o ang Salary Standardization Law 5.

Gayunman, muling binigyan diin ni Romualdez na pag-iibayuhin pa ng Kamara ang pagpasa sa iba pang mahahalagang panukalang batas gaya na lamang ng pagtatatag ng Departments of Filipino Overseas at Disaster Resilience (DDR) na kapwa pending sa second reading approval, at ang Water Resources.