Isang 7.7-magnitude na lindol ang tumama sa silangan ng Papua New Guinea ngayong Linggo ng umaga na nagdulot ng babala ng tsunami mula sa US Geological Survey.
Ang lindol ay tumama sa lalim na 61 kilometro (38 milya) may 67 kilometro mula sa bayan ng Kainantu.
Nagbabala ang USGS na posibleng magkaroon ng tsunami waves sa loob ng 1,000 kilometro mula sa sentro ng lindol.
Samantala, nilinaw naman ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang mga mapanganib na tsunami waves ang inaasahang tatama sa Pilipinas.
” Hazardous tsunami waves are possible for coasts located within 1000 km of the earthquake epicenter along the coast of Papua New Guinea and Indonesia. This is for information purposes only and there is no tsunami threat to the Philippines from this earthquake,” pahayag ng Phivolcs.