-- Advertisements --

Dinaluhan ng ilang libong mga katao ang pro-Palestinian protest sa Sydney Harbour Bridge.

Nasabing kilos protesta ay inaprubahan ng Supreme Court ng Australia isang araw bago ang aktibidad.

Kahit na may pag-ulan ay hindi inalintana ng mga dumalo kung saan nakasulat ang mga kataga sa karatula na may mensahe sa mga pulitiko na tigilan na ang giyera.

Nakita rin sa protesta si WikiLeaks founder Julian Assange at ilang mga kilala personalidad gaya nina federal Members of Parliament Ed Husic at dating NSW Premier Bob Carr.

Huling isinara ang Sydney Harbour Bridge ay noong 2023 ng isagawa ang World Pride ng dinaluhan ng mahigit 50,000 katao.