-- Advertisements --

Pumalo sa 6,913 ang panibagong COVID-19 infections na naitala sa bansa, dahilan para umakyat ang kabuuang bilang ng caseload sa 2,720,368.

Ang bilang na ito ay pinakamababa magmula nang maitala ang 6,879 cases noon namang Agosto 3, 2021.

Ayon sa Department of Health (DOH), mayroon ngayon ang Pilipinas na 81,641 active cases, kung saan 82 percent ang mild, 5.5 percent ang asymptomatic, 3.8 percent ang severe, at 1.6 percent naman ang nasa critical condition.

Sa ngayon, umakyat na rin sa 2,598,052 pa ang bilang ng mga gumaling sa COVID-19 makalipas na makapagtala ng 10,237 na recoveries.

Ang death toll naman ay pumalo na sa 40,675 makaraang 95 pa ang binawian ng buhay.