Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang pagkamatay ng isang pasyente na nadapuan ng coronavirus o COVID-19.

Ayon sa DOH, isang 67-anyos na babae na naka-confined sa Manila Doctors Hospital ang pumanaw dahil sa nasabing virus.

Nasa pang-35 na listahan ang namatay na pasyente sa kabuuang 49 na pasyente na nadapuan ng COVID-19.

Inaalam pang mabuti ng DOH ang ibang mga detalye ng nasabing pagkasawi ng nasabing pasyente.

Patuloy din ang panawagan ng DOH sa mga mamamayan na subaybayan ang kanilang official website lamang at huwag maniwala sa mga iba’t-ibang kumakalat na balita sa social media