Nasa 6,000 na mga pulis ang idedeploy ng pamunuan ng Quezon City Police District (QCPD) Batasang Pambansa Complex sa Quezon City para sa pangalawang SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Lunes, July 24.

Ayon kay QCPD chief PCSupt. Guillermo Eleazar, na ang deployment ng mga pulis ay mangagaling sa ibat ibang Police districts.

Pagtiyak ng heneral na ang nasabing bilang ay sapat para isecure ang venue.

Batay sa report ng PNP nasa 15,000 mga rallyista ang magsasagawa ng kilos protesta.

Nuong nakaraang taon, nasa 8,000 pulis ang inideploy sa SONA.