-- Advertisements --
Nabulabog ang isang health spa sa bahagi ng Scout Chuatoco sa Quezon City pasado 1:00pm ng hapon ngayong araw.
Batay sa nakalap na CCTV footages ng Quezon City Police District, mayroon riding-in-tandem na napadpad sa lugar kung sino isa sa mga ito ang naghagis ng hindi umano’y granada sa establishimento.
Sa naitalang ulat naman ng QCPD, tumama ang granada sa dalawang motorsiklong nakaparada sa garahe ng naturang spa dahilan para lumiyab ang mga ito.
Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente at agad namang napula ang apoy.
Samantala, patuloy naman sa pagkalap ng mga impormasyon ang QCPD upang matukoy ang motibo sa insidente at kung sino ang mga personalidad sa likod nito.