-- Advertisements --

Kinumpirma ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Nicolas Torre III na walang valid permit ang isinasagawang rally sa EDSA – People Power Monument na nagsimula kaninang madaling araw ngayong Martes.

Una rito, libu-libong indibidwal ang nagtipun-tipon sa EDSA at White Plains Avenue bilang suporta umano kay Senador Rodante Marcoleta na nakatakdang sampahan ng kasong plunder kaugnay ng kaniyang kaso may kinalaman sa umano’y undeclared campaign donations noong 2025 midterm elections.

Ayon kay Torre, walang koordinasyon at walang permit ang naturang rally.

Base naman sa crowd estimate nitong alas-9:00 ng umaga, iniulat ng Quezon City Police District na umabot na sa 9,000 ang bilang ng mga raliyista sa lugar.

Habang patuloy din ang isinasagawang hiwalay na pagtitipon sa Liwasang Bonifacio sa Maynila. Ayon sa Manila Police, nasa 400 katao ang nagtipun-tipon sa lugar.